^

Bansa

Miyembro ng Sputnik Gang, itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng Sputnik Gang, itinumba
Dead-on-the-spot ang biktimang si Eleros Nodado, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng 2458-P. Camachile Street, Singalong sa Malate.
File

MANILA, Philippines — Pinatay sa harap ng kanyang ka-live-in ang 39-anyos na traysikel driver makaraang barilin sa sentido ng isa sa tatlong di-kilalang lalaki sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Eleros Nodado, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng 2458-P. Camachile Street, Singalong sa Malate.

Animo’y walang naganap na pamamaril makaraang tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo.

Batay sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:10 ng madaling araw ng Sabado nang maganap ang pamamaril sa bisinidad ng P. Ocampo St., malapit sa panulukan ng Taal Street, Malate.

Nabatid na sinundo ng biktima ang kinakasamang si Marilou dela Cruz sa pinapasukang Shell Gas Station at habang papauwi ay hinarang ng mga suspek na magkakaangkas sa motorsiklo at bumaba ang isang armado ng baril at nilapitan ang biktima.

Napasigaw pa ang biktima ng “Ano, ano?” habang hawak ang dibdib nang paputukan siya ng dalawang ulit sa sentido at dalawa pa sa katawan.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng gunmen at ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ELEROS NODADO

SPUTNIK GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with