^

Bansa

Senate probe sa Dengvaxia vaccine kasado ngayon

Rudy Andal at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang simulan ngayon ang pagdinig ng Senado patungkol sa pagbili ng Department of Health (DoH) ng dengue vaccine na Dengvaxia, na nagdulot ng pangamba sa bansa.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, chairman ng committee on Health and Demography, tututukan sa nasabing pagdinig kung paano nabili ang mga dengue vaccine mula sa French drug maker na Sanofi Pasteur. 

Iginiit ni Ejercito na kailangan matukoy ang dahilan ng pag-uusap ng mga opisyal ng pamahalaan at ng Sanofi Pasteur bago pa man nangyari ang procurement ng nasabing bakuna.

Nauna nang inamin ni dating Health Sec. Janette Garin na nakipagkita ito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa Paris noong 2015 para pag-usapan ang dengue vaccine.

Pero nilinaw nito na wala raw malisya sa kanilang naging pag-uusap.

Aminado si Garin na may binanggit na mga salita ang French pharmaceutical company na “severe dengue” pero “lumang klasipikasyon” nang i-prisinta sa kanila ang bakuna.

Ipinaliwanag din nito na ang diskusyon sa dengue vaccine ay hindi nagsimula sa kanyang termino, bagkus noon pang 2010 sa panahon ni dating Health Sec. Enrique Ona.

Si Garin ang kalihim ng DoH nang simulan ang anti-dengue vaccination programs sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.

Imbitado rin ang dating kalihim sa joint hearing ng Senate Blue Ribbon at Health and Demography.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with