^

Bansa

Full refund hingi ng DoH sa Sanofi

Doris Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Full refund hingi ng DoH sa Sanofi

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tinitingnan na ng kanilang legal team ang accountability ng pharmaceutical company kasunod ng pag-amin na maaaring magkaroon ng severe dengue ang mga nabakunahan na ng Dengvaxia subalit hindi pa dinapuan ng dengue na nagbunsod naman ng panic sa mga magulang na nabakunahan na. Krizjohn Rosales/File

MANILA, Philippines — Hihingin ng Department of Health (DoH) ang full refund mula sa Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine, dahil sa posibleng pagkakaroon ng “severe dengue” ng mga nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa nadadapuan ng dengue.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tinitingnan na ng kanilang legal team ang accountability ng pharmaceutical company kasunod ng pag-amin na maaaring magkaroon ng severe dengue ang mga nabakunahan na ng Dengvaxia subalit hindi pa dinapuan ng dengue na nagbunsod naman ng panic sa mga magulang na nabakunahan na.

Papalo sa mahigit P3 bilyon ang ibinayad ng DoH sa Sanofi para sa procurement ng mga bakuna.

Bukod sa refund, nais rin ng DoH na maglaan ang Sanofi ng indemnification fund para sagutin ang hospital expenses ng mga batang maaaring tamaan ng malalang dengue.

Sa pagtaya ng DoH mahigit 700,000 na mga estudyante at aabot sa 1,000 dito ang nakaramdan ng sakit matapos maturukan ng Dengvaxia.

Sa mga nabakunahan lumalabas din sa data ng DoH na nasa 30 bata ang na-ospital.

Gayunman, sinabi pa ni Duque na handa ang PhilHealth na isama sa coverage ang pagpapagamot ng mga batang may severe dengue.

Maaaring maka-avail ng P16,000 PhilHealth co­verage ang bawat pasyente na may severe dengue.

Patuloy naman aniya ang kanilang pag-update ng listahan ng mga batang siyam na taong gulang pataas bilang bahagi ng pinaigting na surveillance ng kagawaran.

Kaugnay nito, nanga­ngailangan ng 30 surveillance officers na siyang idedeploy ng DOH sa Region 3, Calabarzon, NCR kung saan sinimulan ang dengue vaccination program.

Muli ring inulit ni Duque ang nauna nitong panawagan sa Sanofi Pasteur na ibalik nito sa gobyerno ang P3.5 bilyong ibina­yad ng gobyerno para sa Dengvaxia vaccine.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with