^

Bansa

Kontrata ng BURI sa MRT-3 kinansela!

Mer Layson at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na kaha­pon ng Department of Transportation (DOTr) ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) bunsod ng araw-araw at paulit-ulit na aber­ya na nararanasan ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, isinilbi na ni Transport Assistant Secretary for Legal Affairs Atty. Steve Pastor sa tanggapan ng BURI ang pinal na desisyon ng DOTr na nagte-terminate sa kanilang kontrata para sa maintenance ng MRT-3.

Sinabi ni Sec. Tuga­de, ang pag-terminate ng kontrata ay dahil sa   kabi­guan ng BURI na masolusyunan ang mga problema ng MRT-3.

Sa desisyon ng DOTr na nilagdaan ni Tugade, ang terminasyon sa kon­trata ng BURI ay dahil sa “poor performance” nito at kabiguang maglagay ng mga reliable at episyenteng mga tren.

Anang kalihim, ang kanilang desisyon ay nakasalalay sa kapakanan at interes ng riding public kaya’t hindi sila maaaring maupo at magsawalang-bahala na lamang.

Upang maiwasan naman ang service interruptions sa MRT-3 ay ia-absorb ng DOTr ang technical personnel ng BURI na may mahalagang gampanin sa maintenance works ng mga tren, habang ang iba pang technical support na kakaila­nganin para sa operasyon ay ipagkakaloob naman ng Philippine National Railways (PNR) at ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Kahapon, tatlong ulit pang nagkaaberya ang mga tren ng MRT-3 dahil sa technical problem, kaya’t kinailangang magbaba ng mga pasahero. Ito ay kasunod sa naganap na pag-usok at pagliyab ng isang bagon kamakalawa na ikinasugat ng isang pasahero.

Sa ngayon, sinasabing may utang na P300 milyon ang DOTr sa BURI na dapat umano ay kanilang nagagamit para sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa MRT-3 bilang maintenance provider.

Samantala, sa kabila ng pagkansela sa maintenance contract ng BURI, hiniling pa rin ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles kay Tugade na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga naging kwestiyonableng trabaho ng BURI sa maintenance ng MRT 3.

Aniya, kailangan pa ring habulin ang BURI sa pananagutan dahil hindi nito natupad nang maayos ang P3.8 billion contract nito sa DOTr.

 Giit ni Nograles, marami ang dapat na imbestigahan sa BURI at isa na dito ay ang misteryosong pagpapalit ng orihinal na Vehicle Logic Units (VLUS) sa mga bagon ng MRT 3.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with