^

Bansa

6-anyos nene todas sa jeep

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines — Naglaho ang mga pangarap ng isang anim na taong gulang na elementary student makaraang masapul ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa kalsada sa Balandasan Barangay Mt. View Mariveles kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala ni P/SInsp. Larry Valencia, Provincial PNP Information Officer na si Ara Mae Manginsay,  nakatira sa naturang Barangay.

 Sa pagsisiyasat ng Mariveles Police Station dakong alas-5:40 ng hapon habang binabagtas ng isang Fuso  Passenger Utility Jeep PUJ na may plakang CWU 937 na minamaneho ni Christian John Salvador, 20, binata, driver, at nakatira sa #12 Santol St. Brgy. Mt. View, galing sa Poblacion patungo sa direksyon ng Barangay Cabcaben at pagsapit sa nasabing lugar at nahagip nito ang tumatawid na bata.

Tumilapon sa kalsada ang biktima at nagtamo ng mga galos sa katawan at matinding pinsala sa ulo.

Isinugod sa pagamutan ang bata subalit ideneklara itong dead-on-arrival.

 Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampang kaso ng mga otoridad laban sa nasa­bing driver na ngayon ay nakapiit na sa Mariveles Police Station.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with