^

Bansa

Manila City at Quezon City jail, ginalugad

Ludy Bermudo at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Manila City at Quezon City jail, ginalugad

Sa isinagawang surprise inspection ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy, katuwang ang Quezon City Police District, kahapon ng uma­ga, nakakumpiska sila ng mga mga deadly wea­pons tulad ng kutsilyo, mga tubo, kutsara at tinidor, mga pako, salaming ginagamit sa surveillance, gunting, at maging mga gamit sa pagta-tattoo. GHIO ONG

MANILA, Philippines — Isinagawa ang paghalughog sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila bilang hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na matiyak na walang illegal na aktibidad na nagaganap sa loob ng piitan.

Sinabi ng tagapagsalita ng MCJ na si  Senior Inspector Jay Rex Joseph Bustinera, ang isinagawang operasyon ay alinsunod sa kautusan ni BJMP chief, General Deogracias Tapayan.

Umalalay naman ang mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) at Station 3 ng Manila Police  District (MPD). Ilang kubol ang giniba dahil matagal nang ipinagbaba­wal ito sa loob ng mga piitan.

Maraming selda naman ang hinalughog na nakuhanan ng   alak, mga pira­ted CDs na naglalaman ng pornographic materials at mga pelikula,  bingo cards,  deadly weapons tulad ng mga gunting, matutulis na bagay, drug paraphernalia, mga sirang bahagi ng electric fan, sinturon, mga tali, razor, baraha at iba pa.

Gayunman, ang conjugal visit ay pansamantala lamang na ipinagbawal habang may ‘Oplan Linis’ kaya hindi na winasak ang mga kuwarto na gamit sa conjugal visit sa mga preso.

Umabot na sa 5,565 bilanggo ang nakapiit sa MCJ na over capacity dahil sa 1,100 preso lamang ang dapat dito.

Samantala, muli ring nagsagawa ng ‘Oplan Greyhound’ ang mga awtoridad sa Quezon City Jail upang matiyak na walang mga kontrabando sa loob ng bilangguan, na maaaring magamit ng mga preso sa illegal na aktibidad.

Sa isinagawang surprise inspection ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP), katuwang ang Quezon City Police District (QCPD), kahapon ng uma­ga, nakakumpiska sila ng mga mga deadly wea­pons tulad ng kutsilyo, mga tubo, kutsara at tinidor, mga pako, salaming ginagamit sa surveillance, gunting, at maging mga gamit sa pagta-tattoo.

Wala namang narekober na shabu o iba pang uri ng illegal na droga sa loob ng bilangguan ang mga awtoridad, ngunit nakakum­piska sila ng aluminum foil at ballpen, na ginagamit nila bilang tooter, sa pagbatak ng shabu.

Nananatili pa rin ang congestion ng mga preso sa loob ng kabilang kulu­ngan na isa sa mga problema sa lahat ng selda sa bansa.

Nabatid na kaya lamang maglaman ng 800 bilanggo ang QC Jail, ngunit nasa 3,000 inmate ang kasalukuyang nagsisiksikan sa ngayon.

Ang panibagong Oplan Greyhound ay ikatlong beses ng isinagawa sa Quezon City Jail mula lamang noong nakalipas na buwan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with