^

Bansa

Impeachment vs Bautista ibinasura ng House

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Impeachment vs Bautista ibinasura ng House

Si Comelec Chairman Andres Bautista habang iniinspeksiyon ang mga naimprentang balota sa National Printing Office sa Quezon City. Inaprubahan na ng Senado na isagawa ang Barangay at SK elections sa Mayo 2018. Boy Santos

MANILA, Philippines — Ibinasura ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Sa botong 26-2, idineklarang “insufficient in form” ang impeachment complaint laban kay Bautista na inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Rep. Jacinto Paras dahil sa depektibong verification.

Una rito, ibinasura ang “substitute verification” ni Kabayan Rep. Harry Roque, isa sa tatlong endorsers ng reklamo dahil sa isyu ng teknikalidad.

Ayon sa komite, ang submission ng substitute verification na humihi­ling na amyendahan ang impeachment ay basehan na depektibo ang reklamo.

Ayon naman kay Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas, dapat ang asawa ni Chairman Bautista ang naging complainant at hindi sina Topacio at Paras.

Sinabi ni Fariñas, katulad ng nangyaring impeachment complaint ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pa­ngulong Duterte na ginamit ng una ang mga pahayag ni Edgar Matobato tungkol sa diumano’y mga nalalaman nito tungkol sa extra-judicial killings. Si Matobato dapat ang naging complainant para lumakas ang reklamo nito.

Dahil dito, hindi maaa­ring sampahan muli ng impeachment complaint si Bautista sa loob ng isang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with