^

Bansa

Zero budget sa CHR - Alvarez

Butch Quejada at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binantaan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bibigyan ng zero budget o wala ni isang kusing na pondo ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa sablay nitong performance na hindi man lamang binabatikos ang mga teroristang sangkot sa pamumugot ng ulo ng mga hostages at ma­ging ang mga kriminal na lumalabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Alvarez, dapat protektahan ng CHR ang karapatang pantao para sa lahat ng Pilipino.

Iginiit pa ni Alvarez na ‘betrayal of public thrust” ang ginagawa ng CHR na puwedeng ma-impeach sa nasabing pagkakamali.

Sinabi rin ni Puwersa Ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles na hindi dapat kumikiling ang CHR sa mga kasong lumalabag sa karapatan pantao.

Wika ni Nograles, mabilis na nawawala ang pampublikong suporta sa CHR at may mga sektor na humihiling dito na buwagin na  lamang ang nasabing ahensiya dahil mas pinipili diumano ng mga ito ang ginagawang kasamaan ng mga rebelde at mga kriminal habang maingay sila kapag ang mga awtoridad na ang lumalabag sa karapatan pantao.

Kamakailan nakari­nig ng matinding sermon si CHR Chair Jose Luis Gascon kay Alvarez sa ginawang presentation ng CHR sa panukalang P651.9 milyon pondo na hinihingi nila.

Pinagbantaan sila ni Alvarez na gugupitin ang kanilang budget dahil sa pagkabigo ng CHR na makita ang mga paglabag sa karapatang pantao na ginagawa ng mga kriminal at mga rebeldeng grupo.

Ayon kay Nograles, lumalabas na parang CHR ang ‘defender’ ng masasamang loob at taga-usig sa mga law enforcers.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with