^

Bansa

Visayas nilindol

Angie dela Cruz at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Visayas nilindol

Ang gumuhong gusali sa Kanga, Leyte matapos tumama ang 6.5 magnitude na lindol kahapon na kuha ng Facebook user na si Kawaii Queni Reforzado.

MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Visayas kahapon.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ito bandang alas-4:03 ng hapon.

Natukoy ang sentro ng lindol may walong kilometro sa timog kanluran ng Jaro, Leyte. Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 2 kilometro.

Naramdaman din ang lindol hanggang Western at Central Visayas.

Bunga nito, naramdaman ang Intensity 5 sa Tacloban City; Palo, Leyte; Cebu City at Intensity 4 sa Tolosa, Leyte; Sagay City, Negros Occidental; Burgos, Surigao del Norte.

Intensity 3 sa Bogo City, Cebu; Calatrava, Neg­ros Occidental at Intensity 2 sa Libjo, San Jose, Cagdianao, Dinagat Islands at Intensity I sa Roxas City; La Carlota City; Negros Occidental.

Itinaas naman ng Phivolcs ang tsunami warning at inaasahan na ang mga aftershocks.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mina Marasigan, 10 ang nasugatan sa gumuhong 2-storey pension house sa bayan ng Kananga, Leyte.

Bagaman pinanga­ngambahang may mga nasawi sa trahedya, sinabi ng opisyal na hindi pa nila ito makumpirma dahil patuloy ang search and rescue sa pension house.

Pero sa panayam sa radyo kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, isa katao umano ang patay.

Bunga ng malakas na lindol, ayon kay Leyte Gov. Dominic Petilla ay nawalan ng suplay ng kuryente sa buong lalawigan matapos pansa­mantalang isara ang Malitbog Geothermal Power Plant sa Kananga.

Kasalukuyan ng ina­alam ang lawak ng pinsala ng lindol.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with