^

Bansa

Soroptimist Int’l ng Mandaluyong City umayuda sa mga kababaihan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos ang dalawang buwan nang sinimulan ang pag-rehabilitate ng isang maliit na lugar sa Barangay Burol, Mandaluyong City; mula sa isang  tambakan ay naging mistulang paraiso na ngayon at tinatawag ng mga residente na “THE  HILL  GARDEN”.

Ang proyektong nasabi ay nakapaloob sa  programang “Adopt A Barangay” ng Soroptimist  International of Mandaluyong, isang malawakang organisasyon ng mga kababaihan na naglalayong  makatulong sa mga kababaihan, kabilang ang mga batang babae na magkaroon ng pag-angat, at matupad ang  kanilang mga  pangarap sa  buhay.   

 Pinangunahan ni Ms.Jasmin Cajiuat, Pillar Chair for Public Awareness, ang  paggabay sa mga babae sa mga unang  hakbang  para  maisagawa  ang gulayan. Matapos  ang dalawang buwan, ay matagumpay na namunga at napapakinabangan na ng mga residente ang mga tanim. Priyoridad ng mga miyembro ng Hill Garden Team ang paggamit ng mga gulay sa  nutrition program  ng  kumunidad.

Dagdag pa sa layunin ng pagkakabuo ng gulayan, ang pagbibigay ng dagdag-kita para sa mga babaeng nakapaloob sa proyekto. Ang mga gulay ay maaring ibenta bilang pandagdag-kita ng mga kababaihan, ang ilan sa kanila ay  mga street  sweepers, street food vendor  at residente  ng  Barangay  Burol. 

 Ang “Adopt  A Barangay” ay isa lamang sa  napakaraming  programa ng Soroptimist International of Mandaluyong. Sa kasalukuyan, may mahigit isang daang  batang  babae sa  grade 11 at 12  ang nabigyan ng tulong mula naman sa “TECHVOC ASSIST” Impact Project ng club. Mayroon ding  proyekto para  sa  mga kababaihan “Housekeeping  Skills  Training” at  para sa mga batang babae ang “Feeding  Children-Teaching Mothers”. 

Ang  Soroptimist  International  of  Mandaluyong  ay  may  23  taon  ng nakikipagtulungan sa pamahalaan ng  Mandaluyong sa  pagpapatupad  ng  mga  programang  pang-nutrition at pangkababaihan.

vuukle comment

SOROPTIMIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with