Pres. Rody dumalo sa graduation ni Kitty
MANILA, Philippines - Dumalo kahapon si Pangulong Duterte sa ‘moving up’ ceremony ng kanyang bunsong anak na si Veronica “Kitty” Duterte.
Sa pictures na lumabas sa social media, makikita ang Pangulo na kasama ang partner na si Honeylet Avenceña at ang anak na si Kitty na nakasuot ng school uniform.
Nagtapos ng grade six sa Stella Maris Academy sa Obrero, Davao City ang bunsong anak ng Pangulo.
Sa mga nakaraang talumpati ng Pangulo, palagi nitong binibigyang diin ang pagmamahal sa mga anak at pamilya.
Ipagdiriwang ng Pangulo ang kanyang ika-72 kaarawan sa Marso 28 kung saan sinabi na nitong nais niyang makasama ang kanyang mga anak at mga apo lalo na ang apong si Stonefish.
“I would be very glad to spend my time with my newest grandson Stonefish and the rest of my children and grandchildren. That would have been the greatest gift that I can ask in this planet. Iyon sa akin tama na,” nagging tampahayag ng Pangulo ng bumalik ito mula sa kanyang official visit sa Myanmar at Thailand noong Miyerkules.
- Latest