^

Bansa

Iba’t-ibang produkto hanap ng Aliwan Fiesta bazaar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinatawagan ang mangangalakal ng mga katutubong produkto mula sa iba’t-ibang rehiyon! 

Muling magkakaroon ng malakihang Shoppers Bazaar sa harap ng tanggapan ng Manila Broadcasting Company sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, kaugnay ng Aliwan Fiesta na gaganapin mula ika-20 hanggang ika-22 ng Abril.  Isa itong magandang pagkakataon upang maglahad ng kakaibang paninda ga­ling sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.  

Mula pa noong 2003, inaabangan ng mga taga-Maynila at mga turistang dayuhan ang taunang pagtatanghal ng Aliwan Fiesta – ang pinakamalaking pagsasama ng mga kapistahan sa buong Pilipinas, sa ilalim ng patnubay ng Cultural Center of the Philippines. Ito ay naging tipanan ng kalinangan at nagsisilbing panoorin ng kasaysayan ng ating lahi.   Kaya naman dinadayo ng mga mamimili ang kakaibang tiangge ng mga produktong sariling atin -- mula pananamit, gamit sa bahay, alahas, at higit sa lahat, mga kakanin at lutong-bahay ng mga putaheng ga­ling sa mga lalawigan. Ang mga interesadong magkaroon ng puwesto sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 0917.866.3973 / 0917.865.8699 / landline 832.3249   

SHOPPERS BAZAAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with