^

Bansa

2017 Manila Bay Seasports festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lalahok sa darating na Manila Bay Seasports Festival ang mga betera­nong rowers na naging miyembro ng Philippine National Dragon Boat Team na nagkamit ng kampeonato sa ICF Asian Championships at ikatlong puwesto sa World Championships na ginanap Russia.  Magtatagisan naman ng galing ang mga bangkero mula lalawigan ng Antique, Aurora, Batangas,  Bulacan, Cavite, Dumaguete, Ilocos Sur,  La Union, Mindoro, Navotas, and Rizal  sa stock at formula races ng taunang bancathon.

Maglalaban sa dragon boat race ang mga koponan ng Triton, Onslaught Racing Dragons, RCP Sea Dragons, Philippine Blue Phoenix, Rogue Pilipinas, Dragons Republic, One Piece Drakon Sangres, Pilipinas Wave Warriors, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, NTMA Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Bruins, Speed Devilz, at Maharlika Drakon.  

Hatid ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay nasa labimpitong taon na at inaasahang dudumugin ng mga manonood. Magtatanghal naman sina Renz Vera­no at ang Go Girls sa awarding ceremony nito.

Alas-otso ng uma­ga ang simula ng mga ka­rera sa tubig. Ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay suportado rin EO Optical, Eyeberry, at MyJuiz.

MANILA BAY SEASPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with