^

Bansa

Integrated terminal projects kinuwestyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naniniwala ang 2 kongresista na may iregularidad sa proyektong isinusulong ng kagawaran ng transportasyon hinggil sa integrated terminal, partikular sa south at southwest terminals.

Sa pagdinig ng komite ng transportasyon na ang pinuno ay si Rep. Cesar Sarmiento sa “Report in interim terminal at southwest integrated passenger terminal”, sinabi ni Manila Rep. Manuel “Manny” Lopez na nakakalungkot isipin na ang mga kontra na dapat tutulong sa mga karaniwang mamamayan ay napagsasamantalahan.

“I am convinced the contract in the terminal projects being pushed by the DOTr is onerous and highly questionable,” diin ni Lopez.

Sinabi pa ng solon na taga Tondo na “ayaw ko ho pati na ang mga kasamahan ko sa komite na ito ay maging bahagi ng pag-apruba ng mga ganyang uri ng kontrata na dagdag perwisyo sa tao sa halip na makatulong.

Kasabay nito, tinukoy ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ang pagkakaroon ng umano’y anomalya sa isinusulong na proyekto sa integrated terminal ng DOTr.

Sinabi ni Garcia na bagamat ang napagkasunduang Public Private Partnership modality ay nasa ilallim ng build transfer and operate scheme, ang pamahalaan ay magbabayad din sa mga grantors ng halagang P277 milyon at P100 milyon para sa south at southwest terminals.

vuukle comment

KONGRESISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with