Pinsala sa Surigao airport aalamin pa ng CAAP
MANILA, Philippines - Hindi pa matiyak ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) engineering division kung gaano kalaki ang naging pinsala na gawa ng lindol matapos umabot ng 6.7 magnitude ang pagyanig nito sa Surigao City at isa sa mga napinsala ay ang kanilang airport.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, masuri nilang binubusisi at tinitignan ang pinsala dulot ng lindol sa paliparan kaya wala pang katiyakan ang muling operasyon ng Surigao airport pero ito aniya ay ginagawan na nila ng paraan dahil hindi biro ang nangyaring sakuna rito.
Ayon kay Sydiongco, ang priority ay ang agaran pagsasaayos ng Surigao airport dahil nagkabitak-bitak ang runway ng paliparan at nagkabasag-basag ang mga salamin ng gusali dito.
Pinayuhan ni Sydiongco, ang mga pasaherong nais magtungo sa Surigao na sa Butuan airport ang magiging point of destination ng mga eroplano mula sa Manila, Cebu at Davao. Ang biyahe galing Butuan airport ay may 2 1/2 hours ang layo para makarating ang Surigao City.
- Latest