^

Bansa

Partylist solon sinibak

Butch Quejada/Gemma Garcia/Ellen Fernando, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak bilang second nominee at miyembro ng Kabayan partylist si Congressman Ron Salo at tatlo pa na kasama ng kongresista.

Sa ginanap na Special Party Congress assembly na dinaluhan ng ilang Comelec Representatives, bukod kay Salo sinibak din sina Pedro Parrocho, Joshua Sebastian at Vic Caguimbal sa Kabayan partylist dahil sa paglabag sa kanilang Constitution and By-Laws na nilagdaan ng mga dumalo sa delegasyon.

Binalewala din ng Comelec-registered vo­ting members ng Kaba­yan ang binuo ni Salo na “Board of Trustees” na hindi naman kinikilala at hindi nag-e-exist sa ilalim ng kanilang Constitution and By laws.

Si Parrocho, Sebastian at Caguimbal ay mi­yembro ng Board of Trustees na iligal umanong itinatag ni Salo.

Sinabi ni Kabayan Secretary-General Rogel Navarro na ang party Congress na highest policy-making body ng partido, ay may kapangyarihang mag-elect at magtanggal ng miyembro na lalabag sa kanilang by laws.

Samantala pina­wa­lang bisa din ng Special Party Congress ang resolution ni Salo na nagtatanggal kay Roque bilang Kaba­yan nominee. Nilinaw ng partido na nanatiling First Nominee ng partido si Roque.

RON SALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with