^

Bansa

Solon suportado ang dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno

Pilipino Star Ngayon
Solon suportado ang dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno
Rep. Strike B. Revilla

MANILA, Philippines - Nagpaha­yag ng suporta sa dagdag-sweldo para sa mga manggagawa ng gobyerno si Rep. Strike B. Revilla ng Bacoor City, Cavite, kasunod sa nakaraang pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa panawagang ipasa ng Kongreso ang resolusyon para makapag-release si Pangulong Duterte ng dagdag pasahod sa lalong madaling panahon.

“Upang matamasa natin ang tagumpay sa pag-unlad ng ating bansa, kailangan nating bigyan suporta ang mga kawani na siyang nagiging malaking tulong sa mga gawaing pang ekonomiya,” pahayag ni Rep. Revilla.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay nagsumite rin si Rep. Revilla ng House Bill  #1669 na naglalayong magbigay umento sa mga rural health doctors kung saan naayon na benepisyo para sa mga doktor sa mga rural areas o tinatawag na remote community.

“Alam naman natin ang deprensya ng sahod ng mga doctor sa pribado at gobyerno. Kaya nararapat lang na pagtuunan ng pagpapahalaga ang ating mga doktor sa pamahalaan,” dagdag pa ni Revilla.

vuukle comment

SOLON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with