Magtayo ng LNMB sa Ilocos – solon
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng isang kongresista ang pamilya Marcos na magtayo na lamang ng sariling Libingan ng mga Bayani sa Ilocos, Norte para doon ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, na hindi na dapat ipagpilitan pa ng pamilya Marcos na maihimlay sa nasabing libingan sa Taguig ang dating pangulo.
Ipinaliwanag pa ni Batocabe, tutal naman ay may moral high ground na ang pamilya Marcos matapos magdesisyon ang Korte Suprema at si Pangulong Duterte na maaaring ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.
Kapag pinilit pa umano na sa Taguig mailibing ang dating pangulo ay hindi malayo ang posibilidad na ma-vandalize pa ito o may humukay sa bangkay nito. Ito ay dahil sa dami umano ng galit sa diktaturya o martial law.
Subalit kung magpapatayo umano ng Libingan ng mga Bayani ang mga Marcos ay masisiguro na manahahimik na ito pati na rin ang mga Pilipino.
- Latest