Technical body para sa OFW dept. bubuuin
MANILA, Philippines – Napagpasyahan ng House of Representatives Committee on Government Reorganization on Overseas Workers Affairs na gumawa ng isang technical working group (TWG) para pagsama-samahin ang anim na panukalang batas na naglalayong lumikha ng isang departamento na tatawaging ‘Department of Overseas Filipino Workers’ (DOFW) na magbibigay ng mabilis at epektibong tugon sa mga problema at pangangailangan ng OFW’s dito at sa ibang bansa.
Sinabi ni Manila Teachers party list Rep. Virgilio S. Lacson, vice chairman ng komite, na sinang-ayunan ang motion upang lumikha ng TWG.
Sinabi pa ni Lacson na ang paglikha ng isang solong entidad na DOFW, ay isang pambatasan inisyatiba na natupad kahit noon pang ika-12 Kongreso.
Ang paglikha nito ay naglalayon anyang itaguyod ang pangkalahatang kapakanan, karapatan at mga pangangailangan ng mga OFW na angkop na pagkilala sa makabuluhang kontribusyon ng mga ito sa pambansang pang-ekonomiyang pag-unlad.
- Latest