^

Bansa

De Lima padadalhan ng subpoena

Evelyn Macairan - Pilipino Star Ngayon
De Lima padadalhan ng subpoena
Sinabi pa kahapon ni Vitaliano Aguirre na ang lima-kataong investigating panel na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong ay maaaring magpalabas na ng subpoena laban sa mga nasasakdal sa apat na reklamong isinampa kaugnay ng operasyon ng bawal na gamot sa pambansang piitan.
File photo

MANILA, Philippines – Padadalhan na ng subpoena ng Department of Justice sa susunod na linggo si Senador Leila de Lima at iba pang nasasakdal kaugnay ng kalakalan ng Droga sa New Bilibid Prison.

Ito ang ipinahiwatig ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre kasabay ng pagsasabing nagpalabas na siya ng isang department order para pagsamahin ang lahat ng apat na kaso laban kay De Lima.

Sinabi pa kahapon ni Aguirre na ang lima-kataong investigating panel na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong ay maaaring magpalabas na ng subpoena laban sa mga nasasakdal sa apat na reklamong isinampa kaugnay ng operasyon ng bawal na gamot sa pambansang piitan.

Idinagdag ni Aguirre na maaaring sa Lunes (Nobyembre 14) o Martes (Nobyembre 15) padalhan ng subpoena sina De Lima at iba pang respondent.

“Maagang bahagi ng susunod na linggo ilalabas ng lima-kataong komite ang subpoena na oobliga sa lahat ng mga inaakusahan na magsumite ng kanilang mga counter-affidavit,” paliwanag ng kalihim kahapon.

Sinabi pa ni Aguirre na, noong Biyernes, nilagdaan niya ang isang Department Order na magsasanib sa lahat ng apat na magkakaugnay na kaso laban kay De Lima at sa iba pang mga respondent.

Inaakusahan si De Lima ng pagtanggap umano ng malaking halaga mula sa ilang mga preso na sangkot sa iligal na operasyon ng droga at ginamit ang perang ito sa kanyang kampanya sa pagkandidatong senador sa nagdaang halalan.

Ang apat na kaso ay naunang isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption, dating National Bureau of Investigation Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, bilanggong si Jaybee Sebastian at ng NBI.

Bukod kay De Lima, kinasuhan din sina dating DOJ Undersecretary  Francisco Baraan III, dating Bureau of Correction Director  Franklin Jesus Bucayu, dating driver ni De Lima na si Ronnie Dayan, pamangkin ng senador na si Jose Adrian Dera, dating NBI Deputy Director Rafael Ragos; dating NBP Superintendent Richard Schwarzcopf Jr; NBI agent Jovencio Ablen Jr., at iba pa. 

 

SENADOR LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with