^

Bansa

Market value ng lupa sa Quezon City mababa - COA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City Government na i-update ang assessment at property classification sa lungsod.

Ito ay dahil P5,000 la­mang kada Metro kwadrado ang halaga ng lote sa prime area sa kahabaan ng Edsa sa bahagi ng Quezon City gayung umaabot na ito sa halagang P55,000 hanggang P80,000 sa parte ng naturang hi-way na sakop ng ibang mga lungsod.

Dahil dito kay inatasan ng COA ang Quezon City government na i-update nito ang real property market values na noong 1995 pa nito huling narebisa.

Ayon naman kay City Assessor Rodolfo Ordanes, “nire-require sila na i-update na ang fair market value kada 3 taon base sa nakasaad sa Local Government Code of 1991.

Buhat umano noong 1995 ay hindi pa sila nakakapag-revise ng market value kaya giit ni Ordanes kailangan na nilang rebisahin ang umiiral na market value.

Inihalimbawa niya na sa kahabaan ng EDSA sa Caloocan, ginagamit na nila, P55,600 per sqm, habang ang QC ay nasa P5,000, ang Makati nasa P80,000 na, Pasay P40,000, habang nasa P30,000 ang proposed pa lang sa nasabing lungsod.

Kahit na umabot na umano sa proposed P30,000 per sqm adjustment ay magiging mababa pa rin ang presyo sa QC kumpara sa ibang mga lungsod.

MARKET VALUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with