Coco levy fund malabong maibalik sa coco farmers
MANILA, Philippines - Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilaan sa mga proyektong magpapalago sa coconut industry ang kontrobersyal na coco levy fund.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Davao City mula sa 2-day official visit nito sa Malaysia, bagama’t nais niya sanang ibalik ang pera sa mga coconut farmers pero malabo na ito sa ruling ng Korte Suprema.
Ayon sa Pangulo, batay kasi sa Supreme Court (SC), hindi na maaring ibalik ang pera dahil mahirap ng matukoy ang mga farmer-beneficiaries.
Kaya gagamitin na lamang daw ang pera sa pagtatayo ng mga institusyon o ahensya para mapaunlad ng industriya ng pagniniyog sa bansa.
Una ng nagpalabas ng Executive Order (EO) si dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa inventory at paglilipat sa government treasury ng coco levy funds pero hinarang ng Korte Suprema sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO).
- Latest






















