^

Bansa

Espinosa killing planado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Espinosa killing planado
Nagbigay ng testimonya sina PSupt Marvin Marcos, Regional Director Region 8-CIDG; PSupt Victor Ongkiko at PCI Leo Laraga ng PNP-CIDG sa Senate hearing kahapon kaugnay sa kontrobersiyal na pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa Sr.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines - Planado umano ang pagkakapaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., base sa mga narinig na testimonya, sa isinagawang Senate hea­ring kahapon.

Ayon kay Sen. Ping Lacson, chairman ng Se­nate committee on public order, “premeditated” o nakaplano ang pagkakapaslang sa mayor sa loob ng Baybay City Provincial Jail noong Nobyembre 5.

Napuna ni Lacson na base sa oras at pagkakasunod-sunod ng pangyayari, hindi pa nakakapasok sa loob ng jail ang grupo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nag-request na ang mga ito ng SOCO o scene of the crime operatives.

“So hindi pa kayo nakakapasok, nagre-request na kayo ng Soco? Bakit, ina-anticipate n’yo ba na may papatayin kayo kaya nagre-request na kayo ng Soco?” pagtatanong ni Lacson.

Ginawa ni Lacson ang pagtatanong matapos ihayag ni Supt. Elmer Beltajar, regional director ng PNP-Eastern Visayas, na nag-request ng team mula sa SOCO si Supt. Santi Noel Matira dakong alas-3:49 ng umaga.

Kasama si Matira sa nagsagawa ng operasyon sa pangunguna ni Chief Inspector Leo Laraga, na itinalaga naman ni CIDG Region 8 chief Supt. Marvin Marcos.

Pero sa presentasyon ni Marcos tungkol sa pagkakasunod-sunod nang pangyayari, lumalabas na nakapasok sa loob ng jail ang mga taga-CIDG dakong alas-4:30 ng umaga.

Sinabi pa ni Lacson na mistulang tumawag ang mga taga-CIDG ng punerarya gayong wala pang engkuwentrong nangyayari.

Inamin ni Matira na tumawag nga siya ng SOCO pero hindi na umano niya maalala ang oras.

Si Laraga ang umamin na nakapatay mismo kay Espinosa sa loob ng kanyang selda samantalang si SPO4 Juanito Duarte naman umano ang nakapaslang sa isang pang suspek na sangkot sa ilegal na droga na si Raul Yap.

Iginiit ni Lacson na isuko ni Matira ang kanyang mobile phone kay PNP deputy chief for operations Police Director Benjamin Magalong pero tumanggi ito at iginiit ang kanyang “right to self-incrimination” at “right to privacy”.

 Samantala, sa simula ng pagdinig, nilinaw ni Marcos na hindi si Espinosa ang target ng kanilang operasyon kung hindi si Yap.

Nakumpirma rin sa pagdinig na walang nangyaring koordinasyon sa pagitan ng mga provincial guards at CIDG na nagsagawa ng operasyon.

Humarap rin sa pagdinig si Supt. Victor Ongkiko, hepe ng Region 8 Internal Affairs Service kung saan inihayag nito ang salaysay ng isang bilanggo na nakakulong sa kalapit ng selda ni Espinosa.

Napuna umano ng nasabing preso na bago mapatay ang mayor, nakita niya ang dalawang pulis na pumasok sa selda ni Espinosa noong madaling araw ng Sabado at nang makita umano ng mga ito na bukas ang closed-circuit television (CCTV) monitor, umalis ang mga ito pero bumalik muli sa selda ni Espinosa noong patay na ang monitor.

Matapos umano ang pagpasok ng dalawang pulis ay narinig pa ng preso si Espinosa na nagsabing huwag siyang plantahan at wala siyang baril.

“Nagmamakaawa sabi ng inmate sa cell 2. Nagrequest pa daw si mayor na iihi at narinig na sinabing wag na. After a few seconds, biglang may pumutok,” kuwento ni Ongkiko.

Isinalaysay din ni Ongkiko, pinaluhod pa umano ng mga taga-CIDG ang mga provincial guards at pinaluhod paharap sa pader bago kinumpiska ang mga baril at mga cellphones.

MAYOR RONALDO ESPINOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with