^

Bansa

Bank teller nalunod sa beach

Francis Ele­vado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Namatay ang 28-anyos na bank teller matapos itong malunod habang naliligo kasama ang kanyang mga kaibigan sa  seawater ng Purok 4, Barangay San Roque sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na  si  Ramil Boncay, binata at tubong Doña Carmen Subdivision sa Brgy. Opias, Tayabas City, Quezon at pansamantalang naninirahan sa Gov. Panotes Avenue, bayan ng Daet, Camarines Norte.

Nabatid na dakong alas-2 ng hapon nang maligo ang biktima sa dagat subalit napadpad sa malalim na lugar kaya nagsisigaw ito.

Kaagad namang sinaklolohan ng kanyang kaibigang si Magno Eje, kasama ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard.

Agad na isinugod sa Leon Hernandez Hospital sa bayan ng Daet subalit idineklarang patay ang biktima.

vuukle comment

NALUNOD SA BEACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with