^

Bansa

Pilipinas pinalilinaw ang sinasabing pagkalas sa alyansa sa US

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Pilipinas pinalilinaw ang sinasabing pagkalas sa alyansa sa US
Si US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel bago makipagkita sa mga opisyal ng Dept. of Foreign Affairs kahapon. Nais nilang malinawan ang mga naging kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Digong patungkol sa umano ‘pagkalas’ ng Pinas sa Estados Unidos.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Nagpadala na ng isang mataas na opisyal ang Estados Unidos sa Pilipinas upang hingin ng paglilinaw  ang pamahalaan kaugnay sa naging mga pahayag ni Pangulong Duterte na “hihiwalay” na ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa nito sa Amerika.

Nagharap kahapon sina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. at U.S. Asst. Secretary of State for Asian and Pacific Affairs Daniel Russel, na ipinadala ng US upang linawin ang deklarasyon ni Pangulong Duterte sa harap ng mga Chinese officials na puputulin na ang magandang ugnayan ng Pilipinas sa US.

Sa kabila ng mga maanghang na banat ni Pangulong Duterte kay US President Barack Obama at sa deklarasyon nito na ‘hihiwalay’ na ang Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pakikipag-alyansa sa China at Russia, tiniyak pa rin ni Russel na mananatiling matatag ang US-PH alliance. 

Sa pulong nina Yasay at Russel, iginiit ng US official na “steady at trusted partner” pa rin ng Estados Unidos ang Pilipinas. Aniya, mananatiling matatag ang US-Phl alliance matapos na linawin din ni Yasay ang ibig pakahulugan ng Pangulo sa separation ng “foreign policy” sa US.

“For our part, the US remains a steady, and I hope a trusted partner, a strong ally. We stand ready to honour our commitments, we stand international law, and we stand by the Philippines,” paniniyak ni Russel.

Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala si Russel sa mga binibitiwang pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa anunsyo nito sa harap ng mga Chinese officials.

Iginiit ni Russel na ang mga pahayag ni Duterte ay lubhang nagdudulot ng pagkadismaya ng US government at iba pang mga bansa. Sa kabila nito, binigyang-diin nito na nananatiling malalim ang US-PH diplomatic relations na umaabot na ng 70 taon.

“I pointed out to Secretary Yasay that the succession of controversial statements and comments, and a real climate of uncertainty about the Philippines intention has created consternation in a number of countries, not only mine,” ani Russel sa mga reporters.

ALYANSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with