^

Bansa

FOI bill umusad na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umusad na kahapon sa Senado ang panukalang Freedom of Information bill na naglalayong maging bukas sa publiko ang mga impormasyon at mga transaksiyong pinapasok ng gobyerno matapos isalang sa plenaryo ang panukala.

Sa sponsorship speech ni Sen. Grace Poe, chairman ng Senate public information and mass media, sinabi nito umaasa siyang ito na ang huling pagkakataon na isponsoran niya sa plenaryo ang nasabing panukala na hindi nakalusot noong nakaraang Kongreso.

Ayon kay Poe, magi­ging bukas na sa publiko ang impormasyon tungkol sa mga ari-arian ng mga opisyal ng gobyerno.

“Sa ilalim ng batas, pwede, halimbawa, kunin ang address ng mga bahay ng isang opisyal sa SALN. Pero ka­labisan namang humingi pa ng litrato ng mga silid-tulugan o imbentaryo ng mga anik-anik sa loob ng bahay,”ani Poe.

Ipinunto rin nito na karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng access sa mga opisyal na records at dokumento ng mga opisyal ng gobyerno.

Sakop ng panukala ang tatlong branches ng gobyerno na kinabibilangan ng executive, legislative at judiciary.

Matatandaan na pinaiiral sa executive branch ang FOI pero hindi nito sakop ang buong gobyerno.

FREEDOM OF INFORMATION BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with