^

Bansa

Locsin, bagong Philippine envoy sa UN

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Makati congressman at TV anchor Teodoro Locsin Jr. bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa United Nations (UN).

Ayon kay PCO Sec. Martin Andanar, tinanggap ni Locsin ang posisyon nang mag-usap sila ni Pangulong Duterte sa Bahay ng Pagbabago.

Si Locsin ay naging kinatawan ng Makati City mula 2001 hanggang 2010.

Ang pagtatalaga ni Duterte kay Locsin ay kasunod naman sa naiulat na reklamo ng Pinay na si Milagros Braza sa UN at Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa dati niyang employer na si Ambassador Lourdes Yparraguirre na nakatalaga bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York.

Base sa reklamo ni Braza, nakaranas siya ng matin­ding “verbal abuse” at pagmamaltrato sa kamay ng among si Yparraguirre matapos siyang pagsalitaan ng masasakit at palayasin sa kalamigan ng Christmas Eve ng 2015. Pinagtrabaho rin umano siya ng amo sa mga kamag-anak ng huli nang walang kaukulang suweldo.

Kinukupkop umano ngayon si Braza ng isang kaibigan na tumulong sa kanya sa New York matapos na palayasin ng ambassador.

Ang reklamo ni Braza ay idinulog rin kay dating Labor official Susan Ople, pangulo ng Blas F. Ople Center na siyang tumutulong sa Pinay. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with