^

Bansa

NGCP tower pinasabog

Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinasabog ng mga hindi kilalang kalalakihan ang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Purok 1, Barangay Kitulaan sa bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Chief Insp. Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP, bandang alas-6:50 ng gabi nang maganap ang pagsabog kung saan kaagad namang rumesponde ang pulisya, militar kasama ang ilang tauhan ng EOD team.

Nawasak ang Tower #103 NGCP transmission line dahil sa pagpapasabog ng IED. Sa pahayag naman ni P/Supt. Bernard Tayong, CPPO spokesperson na posible umanong extortion ang isa sa motibo sa pagpapa­sabog.

Gayunman, hindi rin isinasantabi ng pulisya ang posibilidad kung may kaugnayan sa Davao blast noong Biyernes ng gabi ang pagpapasa­bog sa nasabing to­wer.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with