^

Bansa

Paiimbestigahan sa NBI.. Peter Lim papatayin kapag nagsinungaling!

Joy Cantos at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa harap ng hinihinalang top drug lord sa Visayas na kasapi umano ng triad na si Peter Lim na kanyang papatayin kapag nagsinungaling.

Ang banta ni Duterte ay harapang inihayag kay Lim nang kusang sumuko ang huli sa Pangulo sa Davao City kamakalawa ng gabi.

“I tell you what, I have warned to have you killed. It’s true, I will have you killed. If I see something… (na sangkot ka sa droga), I will have you killed,”  banta ni Pres. Duterte.

Binalaan ni Duterte si Lim na mananagot siya kapag nakakuha ng matibay na ebidensya na siya ay positibong top drug lord ng Cebu at sinabing hindi niya maililigtas ito.

Pinayuhan pa si Lim na magdala ng abogado at magpasailalim sa imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) upang patunayan na hindi siya isang “high profile” sa illegal drug trade na target ng pulisya.

“I will advise you strongly to submit to an investigation, in my term. You go to…For now you are not guilty, but if I find out that you are, I will have you finished. You better go to the investigating agency, the NBI,” pahayag ng Pangulo.

 Lumantad si Lim sa tanggapan ni PDEA 11 sa loob ng compound ng Davao City Police Office at nakipagkita kay President Duterte upang linisin umano ang kanyang pangalan sa pagkakasangkot sa talamak na illegal drug trade sa bansa.

Ayon kay Lim, isa siyang lehitimong negosyante at itinangging sangkot sa illegal drug trade sa Central Visayas partikular na sa Cebu.

Sinabi nito na nangangamba siya sa kanyang buhay dahil baka maging target ng operasyon kontra droga kaya napilitang lumantad upang linisin ang kaniyang pangalan.

Sa tala ng Bureau of Immigration (BI), 4,000 ang may pangalang Peter Lim sa bansa na karamihan ay mga negosyanteng Tsinoy.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with