Sa huling pagkakataon PNoy mangunguna sa Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines - Pangungunahan bukas ng umaga (Linggo) ni Pangulong Benigno Aquino III ang ika-118 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ito ang huling pagkakataon na mangunguna si Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bilang chief executive ng bansa dahil pagsapit ng June 30 ay manunumpa na si President-elect Rodrigo Duterte bilang bagong presidente.
Bandang alas-8 ng umaga bukas (Linggo) ay pangungunahan ni PNoy ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Rizal Park saka ito mag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Pagkatapos nito ay idaraos naman sa Malacanang ang Vin D’Honneur bandang alas-10:00 ng umaga na pangungunahan pa din ni Pangulong Aquino kasama ang mga ibat ibang ambassadors at miyembro ng kanyang gabinete.
- Latest