^

Bansa

3 pulis na nawawala sa NPA attack, nakabalik na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – All accounted na ang tatlong nawawalang pulis matapos ang marahas na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Go­vernor Generoso sa Davao Oriental noong Mayo 29 ng gabi.

Sinabi ni  P/Supt. Antonio Libot, spokesperson ng Davao Oriental Police Provincial Office, narekober na si PO3 Edmund Garrido, isang babaeng pulis at isang sibilyan.

Ayon kay Libot, si Garrido ay nagkubli lamang sa kainitan ng bakbakan matapos itong maubusan ng bala.

Samantala, ang dalawa pa na isang babaeng pulis at isang sibilyan ay ginawa lamang human shield ng mga rebelde laban sa tumutugis na puwersa ng gobyerno.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang hepe ng Gov. Generoso PNP na si P/Chief Inspector Arnold Ongachen ang tanging tinangay ng mga rebelde.

Nasa maayos nang kalagayan ang sugatang pulis na si PO2 Johnray Cinco na patuloy na nagpapagamot.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na kapabayaan ang mga pulis na nakatalaga sa sinalakay at natangayan ng armas.

Magugunita na noong Mayo 29 ng gabi ay nilusob ng mga rebelde ang nasa­bing himpilan at bagaman nanlaban ang mga pulis ay naubusan ng bala. Nagawa namang matangay ng mga rebelde ang mga armas.

GOLDEN STATE

OKLAHOMA CITY THUNDER

STEPHEN CURRY

WESTERN CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with