^

Bansa

Leni ‘asset’ sa Duterte admin - SB

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na magiging malaking ‘asset’ si Vice president-elect Leni Robredo sa Duterte administrasyon dahil na rin sa kanyang karakter at malawak na karanasan na makakatulong sa mga inaapi, kababaihan at mahihirap.

Sa kabila nito, nilinaw ni Belmonte na ang kanyang pahayag ay hindi upang hikayatin o kumbinsihin si President-elect Rodrigo Duterte sa pagbibigay kay VP Robredo ng isang cabinet post.

“Sa tingin ko ang Pangulo, sa aking isip, ay dapat makita si Vice President Robredo bilang isang asset, at makakatulong sa kanya na magtagumpay,” ani Belmonte.

Ayon naman kay Robredo,  walang obligasyon sa kanya ang pangulo na mabigyan siya ng anumang puwesto.

“Ganap na maunawaan ko ang mga pangyayari. Walang obligasyon para hirangin ako sa anuman puwesto sa gobyerno. Wala akong karapatan na humingi, “ ani Robredo matapos na tahasang sabihin ni Duterte na wala siyang planong bigyan ng puwesto sa kanyang Gabinete si Robredo.

Bago pumalaot sa politika,  si VP Robredo ay nagtrabaho bilang isang pro-bono laywer para sa mahihirap at mga inaaping mga kababaihan.

ASIA-PACIFIC

PHILIPPINES

WORLD COMPETITIVENESS YEARBOOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with