^

Bansa

Anak pumatay sa pagtatanggol sa ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa ina, napatay ng 22-anyos na anak ang kaniyang amain sa gitna ng pag-aaway ng dalawa sa bahay bakasyunan sa Baguio City kamakalawa ng madaling araw

Kinilala ang napatay na si Reynaldo Forto, 48, reflexogolist, tubong Laguna na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Bonjovi Jovellano, tubong Pasay City, at isang massage therapist.

Nabatid na nagbakasyon ang mag-ina at biktima sa Baguio City kung saan naka-billet ang mga ito sa isang motel.

Sa report ng Cordil­lera PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng billeting room ng tatlo sa #0654 , Purok 10.

Ayon sa imbestigas­yon, mahimbing na natutulog ang suspek nang maalimpungatan ito sa pag-aaway ng kaniyang amain at ng kaniyang ina. 

Napag-alamang pa­lagi umanong sinasaktan ng biktima ang ina ng suspek sa tuwing mag-aaway ang magka-live-in.

Sa kainitan ng pagtatalo ay sinakal ng biktima ang ina kaya namagitan naman ang suspek pero kumuha ng patalim sa kusina ang amain na tinangka pang saksakin ang binata.

Nagawang agawin ng suspek ang patalim kung saan sa tindi ng galit nito ay sinaksak at napatay ang sadistang amain.

vuukle comment

KONTROBERSYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with