^

Bansa

Pres Rody ‘di matutulog sa Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pananatili ng mga nagdaang pangulo ng bansa sa Malacañang upang matutukan ang bansa, iginiit ni incoming President Rodrigo Duterte na hindi siya matutulog sa Palasyo bagkus ay uwian siya sa Davao.

Ayon kay Duterte, magsisimula ang kanyang opisina sa Malacanang mula ala-1 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi.

“My day will start at 1 p.m. everyday. Dire-diretso na ‘yan hanggang 12. May prejudice ako sa Malacañang. Tanungin n’yo si Imee Marcos, nag-usap kami, sabi niya tala­gang may multo doon, mga lima,” wika pa ng incoming president.

Dahil may multo nga daw sa Malacañang, ay mas gusto na lamang niyang mag-uwian sa Davao kaysa tumira at matulog sa Malacañang.

“I might go home in Davao everyday,” dagdag pa ni Duterte na iginiit na posibleng sa kanyang pag-uwi sa kanyang ta­hanan at tambak din ang mga papeles na kanyang babasahin bago lagdaan.

Nakagawian umano ng incoming president na basahin at pag-aralan muna ang isang dokumento bago niya lagdaan.

PHILIPPINE SUPERLIGA BEACH VOLLEYBALL CHALLENGE CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with