President, VP ipoproklama sa 2-linggong canvassing
MANILA, Philippines – Inaasahang maipoproklama na ang mga nanalong presidente at bise presidente sa loob ng dalawang linggong canvassing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales II, maaaring tumagal lamang ng hanggang Hunyo 7 ang bilangan ng balota at maipoproklama na nila kung sino ang mananalong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa dahil magtatapos na ang 16th Congress sa Hunyo 8.
Paliwanag ni Gonzales, sakali namang matagalan at hindi matapos ang bilangan sa takdang araw dahil sa posibleng ma-kuwestyon o mag-mosyon ang mga abogado ng mga kandidato ay itutuloy pa rin nila ang adjournment.
Pagkatapos ay saka pa lamang muling magre-resume ang joint public session at agad na ipo- proklama kung sino ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo.
Inihalimbawa ni Gonzales ang nangyari noong Mayo 2010 elections kung saan inabot lamang ng 10 araw ang bilangan kung kaya agad naiproklama ang mga nanalo.
Kahapon sinimulan na ang canvassing ng mga boto para sa pangulo at bise presidente sa Kamara na nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC). Unang binuksan ang ballot box mula sa Davao del Sur subalit kaagad naman nag-mosyon ang kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pamamagitan ni dating Maguindanao Rep. Digs Dilanggalen na ihiwalay ang canvassing ng presidente at vise president.
Gayunman, agad itong sinopla ni Gonzales at sinabi kay Dilanggalen na wala itong karapatan mag-manifest dahil hindi siya miyembro ng NBOC at kung hindi isiya uupo ay tatawag siya ng security para maupuan ang dating kongresista.
- Latest