^

Bansa

Smartmatic, Comelec IT expert kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Smartmatic, Comelec IT expert kinasuhan
Sa 15-pahinang reklamo na inihain sa Manila Prosecutor’s Office ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, campaign adviser ni Marcos, kinasuhan sina Smartmatic personnel Marlon Garcia (nasa larawan), isang Venezuelan national at head ng Technical Support Team; Elie Moreno, Israeli national at project director, Neil Banigued at Mauricio Herrera, miyembro ng Technical Support Team; at Comelec IT experts na sina Rouie Peñalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzalez na pawang mga nakatalaga sa Comelec Information Technology Department (ITD) ng paglabag sa Section 4(a) ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o R.A. 10175.
EDD GUMBAN

MANILA, Philippines – Sinampahan  kaha­pon ng  kasong paglabag sa Cybercrime Law ng kampo ni Vice Presidential candidate at Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Smartmatic at ilang personnel ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa ilegal na pagpapalit ng script ng transparency server noong gabi ng  May 9 elections.

Sa 15-pahinang reklamo na inihain sa Manila Prosecutor’s Office ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, campaign adviser ni Marcos, kinasuhan sina Smartmatic personnel Marlon Garcia,  isang Venezuelan national at head ng Technical Support Team; Elie Moreno, Israeli national at project director, Neil Banigued at Mauricio Herrera, miyembro ng  Technical Support Team; at Comelec IT experts na sina  Rouie Peñalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzalez na pawang mga nakatalaga sa Comelec Information Technology Department (ITD) ng paglabag sa Section 4(a) ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o R.A. 10175.

Kasama si Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM Quick Count Center, sinabi ni dela Cruz na malinaw na nilabag ng grupo ang Section 4(a)  nang   sadyain nilang palitan ang  computer data nang walang paalam sa mga kinauukulan.

Ani dela Cruz, ang mga respondents ay ang siyang dapat magbigay ng  katiyakan  nang pagkakaroon ng kredibilidad ng eleksiyon sa pamamagitan ng transpa­rency server sa Pope Pius XII Catholic Center Building sa Manila. Wala naman umanong iba pang personnel ang pi­napayagan sa transparency server maliban sa  Come­lec, sa pamamagitan ng  ITD.

Nilabag umano ng  mga respondents ang pamantayan nang pumasok sila sa transparency server at palitan ang script nang walang awtorisasyon habang isinasagawa ang bilangan. Hindi rin umano ma­bubuksan ang ser­ver  nang walang  basbas mula sa Comelec IT personnel dahil sila lamang ang may alam ng password upang mabuksan ito.

ENVIRONMENTAL GROUPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with