^

Bansa

Pagbubuwis gagawing simple

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawing simple ng incoming 17th Congress ang pagbubuwis para matigil ang umano’y katiwalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR). 

Sinabi ni Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez, na nag-aasam na maging susunod na House Speaker, kukumbinsihin niya ang mga mambabatas na magpasa ng batas para i-simplify ang proseso ng taxation.

Hindi naman idinetalye ni Alvarez ang sinasabi nitong corruption subalit naniniwala ito na kung mawawala ito ay maiiwasan ang pagkalugi ng gobyerno at magkakaroon ng sapat na pondo para sa mga programa.

Ito ay dahil target mapondohan ng administrasyon ni incoming Pres. Rodri­go Duterte ang pagtaas ng sahod ng mga pulis bilang frontline forces laban sa kri­minalidad at iligal na droga.

Samantala, nakipagsanib pwersa na rin ang partidong PDP-Laban at Nationalist Peoples Coalition (NPC) matapos na lumagda ang mga ito sa coalition agreement.

Kabilang sa lumagda sa kasunduan ang pangulo ng PDP-Laban na si Sen. Koko Pimentel at Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, presidente ng NPC. 

Nagkaisa ang 2 partido para suportahan ang Duterte administration at ang pagiging House Speaker ni Alvarez. 

Magugunita na si Sen. Grace Poe ang sinuportahan ng NPC, na panga­lawa sa pinakamalaking partido sa bansa noong katatapos na eleksyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with