^

Bansa

Purisima inaresto sa NAIA 3

Joy Cantos at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto kahapon ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –National Capital Region (CIDG-NCR) ang nadismis na si dating PNP Chief Alan Purisima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 matapos itong bumaba sa eroplano galing Butuan City bandang ala-1:30 ng hapon.

Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona, agad na isinilbi ng mga tauhan ni CIDG –NCR Chief P/Sr. Supt. Ronald Lee ang warrant of arrest na inisyu ng Sandiganbayan laban kay Purisima kaugnay ng kasong graft sa maanomalyang multi-milyong Werfast courier deal noong 2011.

Kaagad namang dinala ng mga otoridad ang dating PNP chief sa Sandiganbayan para iproseso ang piyansa nito habang nakaabang na ang abogado nito na si Atty. Marius Corpus.

Bukod kay Purisima nagpiyansa din ang mga kapwa nito akusado ng halagang P30,000 na sina dating Chief Supts. Napoleon Estilles at Gil Calaguio Meneses sa Sixth division ng Sandiganbayan.

Nag-ugat ang kaso ni Purisima at iba pang dating mataas na opisyal dahil sa umano’y pagpasok ng PNP sa kontrata sa pagitan ng Werfast Documentation Agency Inc. para sa deli­very ng firearms licenses sa mga aplikante nito noong 2011.

Nagsabwatan umano si Purisima at 11 iba pa sa pag-award ng kontrata ng hindi dumaan sa public bidding.

Nitong Huwebes ay ipinag-utos ng Sandiganbayan sa PNP ang pag-aresto kay Purisima at 10 iba pa kaugnay ng maanomalyang courier deal sa pagde-deliver ng lisensya ng mga baril na ikinontrata sa Werfast.

Kabilang pa sa mga sangkot sa kaso ang na­dismis ding si Chief Supt. Raul Petrasanta, dating hepe ng Firearms and Explosives Office (FEO), ret. Police Director Gil Meneses, mga nadismis na FEO officials na sina Chief Supt. Napoleon Estilles, Senior Supt. Allan Parreño, Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Melchor Reyes, Supt. Lenbell Fabia, Chief Inspector Sonia Calixto, Chief Inspector Nelson Bautista, Chief Inspector Ricardo Zapata Jr. at Senior Ins­pector Ford Tuazon.

Nakasuhan rin ang mga Werfast incorporators na sina Mario Juan, Salud Bautista, Enrique Valerio, Lorna Perena at Juliana Pasia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with