^

Bansa

Diskriminasyon sa maternity leave binatikos ni Rep. Villar

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinababasura ni House Committee on Trade and Industry Chairman Mark Villar ang batas na naglilimita sa mga benepisyo ng maternity leave na para lamang sa mga kasal na empleyado ng gobyerno

Ito ay dahil sa ipina­patupad pa rin ang nakapaloob sa Section 12, Rule 16 ng Omnibus Rules, Executive Order No. 292 ng 1987 Administrative Code, ang patakaran noong Commonwealth government na tanging mga kasal na empleyado ang may pribilehiyo sa maternity leave.

Paliwanag ni Villar, panahon na para itama ang nasabing seksyon ng batas dahil ito ay isang diskriminasyon sa mga single mommy o walang mga asawa.

Hindi dapat ituring na isang second-class citizen ang mga hindi kasal at mga single parent sa bansa dahil pareho naman ang karapatan ng bawat magulang na bigyang panahon ang mga bagong silang na sanggol.

Higit umano sa lahat ay dapat kinikilala ang natatanging papel ng mga empleyadong kababaihan sa larangan ng pag-unlad ng bansa.

Sa kabila nito ikinatuwa naman ni Villar ang pagkakapasa ng House Bill 6399 o ang “One Hundred (100)-Day Maternity Leave Law” na layong bigyan ng 60 days maternity leave para sa mga ina na normal deli­very at 78 days maternity leave para sa mga ina na sumailalim sa caesarian section.

ACIRC

ADMINISTRATIVE CODE

ANG

DAY MATERNITY LEAVE LAW

EXECUTIVE ORDER NO

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

MGA

OMNIBUS RULES

ONE HUNDRED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with