MILF ‘suko’ na sa BBL
MANILA, Philippines – Suko na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maipapasa pa ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa nalalabing session days ng 16th Congress, ayon kay Mohager Iqbal.
Nawalan na ng pag-asa si Chairman Iqbal ng MILF panel na makalusot pa sa Kongreso ang kontrobersyal na BBL dahil na rin sa kakapusan ng oras bukod sa palaging walang ‘quorum’ sa Mababang Kapulungan.
Ito ang sinabi ni Iqbal sa mga reporters matapos itong dumalo sa book launching ng Journey to Bangsamoro na sponsored ng European Union (EU) delegation to the Philippines.
“Chances are high that it will not pass at all,” wika pa ni Iqbal, na chairman ng MILF peace panel.
Ipinunto ni Iqbal na iilan na lamang ang nalalabing araw ng sesyon ng Kamara at palaging walang ‘quorum’ sa Kongreso kaya malabong maipasa na ang BBL sa 16th Congress.
Sa panig naman ni Miriam Coronel-Ferrer, chairman ng government peace panel, umaasa pa din siya na makakapasa sa nalalabing araw ng sesyon ang BBL kahit sa pananaw nito ay ‘very slim’ na ang chances nito.
- Latest