^

Bansa

Residency ni Poe nagisa sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matinding pagkuwestiyon ang inabot ng kampo ni Sen. Grace Poe mula sa mga mahistrado ng Korte Suprema nung humarap ang abogado nito para sa oral arguments noong isang araw.

Matatandaang inapela ni Poe ang desisyon ng Commission on Elections na i-disqualify siya sa pagtakbo sa halalan sa Mayo dahil kulang ang paninirahan nito sa bansa o residency, na may kinalaman na rin sa pagtakwil nito sa pagiging Filipino para ma­ging isang American citizen.

Ginisa ng mga ma­histrado si Atty. Alexander Poblador tungkol sa intensiyon ni Poe na tala­gang manatili sa Pilipinas mula noong 2005, lalo na’t hindi nito isinuko, bagkus ginamit pa ang kanyang US passport ng apat na taon pa.

Tinanong rin ng mga mahistrado kung bakit limang taon pa ang inintay ni Poe para talikuran ang kanyang US citizenship pagkatapos makuhang muli ang kanyang Philippine citizenship, at umamin si Poblador na ginawa lamang ito ni Poe dahil itinalaga siya ni PNoy bilang pinuno ng MTRCB. ?

Pagkatapos nito ay itinanong ni Justice Mariano del Castillo kung isusuko ba ni Poe ang kanyang US citizenship kung hindi ito na-appoint sa puwesto. Tila daw sinusubukan lang ni Poe ang sitwasyon dito sa Maynila.

Sabi ni Atty. Zenaida Elepano, isa sa mga nakinig sa oral arguments: “Either Poblador was evasive or he didn’t have all the facts.” Dating administrator ng Korte Suprema si Elepano.

ACIRC

ALEXANDER POBLADOR

ANG

EITHER POBLADOR

ELEPANO

GINISA

GRACE POE

JUSTICE MARIANO

KORTE SUPREMA

POE

ZENAIDA ELEPANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with