Pinay maid arestado sa Singapore sa pagnanakaw ng $400K
MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang Pinay maid matapos pagnakawan ng $400,000 halaga ng alahas ang kaniyang Filipino employer sa Singapore.
Sa ulat ng The Straits Times, nakilala ang 48-anyos na suspek nasi Mary Janes Importante Escalona.
Ninakaw umano ng suspek ang mga alahas – diamond rings, gold stone rings at earings – at pera ng kaniyang among si Jose Isidro Navato Camaacho mula 2014 hanggang Oktubre ng nakaraang taon.
Nakasaad pa sa ulat na lulong sa pagsusugal si Escalona at ang mga nanakaw na alahas at pera ang pinangtustos niya sa bisyo.
Dahil dito ay nahaharap sa pitong taong pagkakakulong si Escalona.
- Latest