^

Bansa

Kandidato binalaan sa dirty tricks

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala kahapon ang PNP sa mga kandidatong gagamit ng dirty tricks o paninirang puri laban sa kanilang mga katunggali sa pamamagitan ng social media na maghinay-hinay dahil maari ang mga itong kasuhan.

Ginawa ni PNP Anti-Cybercrime Group spokesman, Chief Insp. Jay Guillermo ang babala sa gitna na rin ng malaking posibilidad na gamitin ng mga kandidato ang kanilang paninira sa reputasyon ng kanilang mga katunggali o kapwa kandidato sa social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter at iba pa.

Sinabi ni Guillermo na dapat pag-ingatan ng mga kandidato ang kanilang mga ipinoposteng mensahe, video, larawan at iba pa kontra sa kanilang mga katunggali.

Maaari nilang imbestigahan ang isang paninirang puri laban sa isang tumatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno kabilang na dito ang mga kandidatong Pangulo.

Ayon sa opisyal, kabilang sa mga paninira ay kung gawin ng isang kandidato na katawa-tawa na makakasira sa pagkatao nito at kredibilidad bilang isang aspiranteng public servant.

Ayon kay Guillermo, handa silang tumanggap ng reklamo na na maituturing na ‘one step higher’ sa bigat ng kasong libelo.

ANG

ANTI-CYBERCRIME GROUP

AYON

CHIEF INSP

FACEBOOK

GINAWA

GUILLERMO

INSTAGRAM

JAY GUILLERMO

MAAARI

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with