^

Bansa

Grace tutol sa re-opening ng Mamasapano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Senador Grace Poe na tutol siya sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na mga tauhan ng PNP-Special Action Force sa kamay ng mga rebelde.

“Kontra ako dun...pinaninindigan ko ang mga committee report ng mga kasama nating senador,” sabi ni Poe sa isang panayam ni Noli de Castro sa dzMM.

Ikinatwiran ni Poe na ayaw niyang mabuksan muli ang imbestigasyon sa Mamasapano dahil 21 senador na ang lumagda sa report na inihanda ng Committee on Public Order.

“Hanggat walang ebidensiya na magpapatunay na iba ang nangyari hindi namin papalitan ang komite report,” dagdag ni Poe na namuno sa komiteng humawak sa kaso ng Mamasapano.

Sa ulat hinggil sa version ng Malacañang sa alternative truth, isinagot ni Poe, “Opo, Tatanungin natin ang Malakanyang diyan. Nadidinig ko si Mr. (dating SAF Chief Director Getulio) Napeñas, may sasabihin na bago. Eh bakit ngayon lang niya ilalabas yun? Kapag ikaw ay merong itinago na impormasyon at ito ay bago, para mapalitan ang komite report, ay meron ka talagang pagkakasala diyan. Eh baka may itinago talaga. Bakit hindi nabanggit ni Mr. Napeñas kung meron man na mga impormasyon na dapat ilabas during the hearing?” tanong ng senadora.

Pinapurihan ni Napeñas ang muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano na kumitil ng mahigit 60 tao noong 2015.

“I welcome it. Maganda ‘yan para lumabas kung ano pa ang facts na hindi pa lumalabas,” bulalas ni Napeñas na kandidatong senador sa ilalim ng oposisyong United Nationalist Alliance (UNA).

Nauna rito, binatikos ni Napeñas si Poe na pumigil umano sa kanya sa pagsiwalat sa ilang mga detalye sa operas­yon sa pagdakip sa international terrorist na si Marwan at sa Filipino bomb-maker na si Basit Usman.

“May mga pagkakataon na, sa pagsasalita ko, kina-cut ako kung mapupunta sa isang conclusion, sa isang impormasyon na sinasabi ko especially nung pinaka-huling mga araw,” dagdag ni Napeñas. “Yung katotohanan, may hindi parehas nung mga huling araw yung ginawa ni Senator Poe na imbestigasyon para sa amin.”

Nagretiro na si Napeñas sa PNP pero, ayon sa kanya, inaasahan niyang marami pang impormasyon ang lalabas kapag sinimulan sa Enero 25 ang imbestigasyon ng joint committee.

ACIRC

ANG

ATILDE

BASIT USMAN

CHIEF DIRECTOR GETULIO

MAMASAPANO

MGA

MR. NAPE

NAPE

PLUSMN

POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with