^

Bansa

Duterte camp: Itigil ang bashing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela na ang isa sa mga backer ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Governor Manny Piñol sa mga sarili nilang supporters dahil na rin sa nagiging asal ng mga ito sa social media.

Nabansagan ng “Dutertetards” ang mga die-hard supporters ni Duterte dahil umano sa paggamit ng marahas na pananalita sa Facebook at iba pang social media site. Napuna ni Piñol na maraming mga botanteng undecided ang natuturn off sa asal ng kanilang mga suporta.

Anya, imbes na makakuha ng boto ay lumalayo ang mga wala pang desisyon, at kitang-kita ito sa huling SWS survey kung saan sa pang-apat na puwesto si Duterte. Malaking kaibahan ito sa survey ng SWS noong Nobyembre kung saan nanguna si Duterte, bago pa nito murahin ang Santo Papa at atrasan si administration presidentiable Mar Roxas sa hamunan ng debate at sampalan. Bilang resulta ay nalaglag sa ratings si Duterte kaya’t tila nagkukumahog ang kampo nila para kontrahin ang pagbagsak ng kanilang manok.

Ang obserbasyon ni Piñol, hindi ito nakatulong sa kanilang kandidato. “This is made worse by Duterte’s rabid followers who have been labeled by political opponents as “Dutertetards,” as in Duterte’s retarded minions, or who call themselves “DDS” or Duterte’s Die-Hard Supporters.”

ACIRC

ANG

ATILDE

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DIE-HARD SUPPORTERS

DUTERTE

DUTERTETARDS

GOVERNOR MANNY PI

MAR ROXAS

MGA

SANTO PAPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with