SC tutok sa kaso ni Poe ngayong Enero
MANILA, Philippines – Inaasahang mas magiging abala ngayon ang Korte Suprema kung saan prayoridad nito na resolbahin ang mga kasong nakabinbin kabilang na ang isyu ni Sen. Grace Poe.
Umaasa ang kampo ni Poe na mabilis na makapagdesisyon ang Korte Suprema sa isinampang disqualification case matapos ang oral argument sa Enero 19.
Sa Enero 7 at 8 ay pangungunahan naman ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang chairperson ng Judicial and Bar Council ang pagsagawa ng public interviews sa 16 na mga kandidato para maging mahistrado ng Korte Suprema.
Ito’y bilang kapalit ni outgoing Associate Justice Martin Villarama Jr., na magreretiro sa darating na Enero 16.
Sa Enero 12, inaasahan na tatalakayin ng en banc ang isyu kaugnay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
- Latest