^

Bansa

Kaya nating maging bagong ‘Rizal’ - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Aquino na maging inspiras­yon ng lahat ng mga Pilipino ang tapang at talino, pagmamahal sa bayan at hangarin sa reporma ni Dr. Jose Rizal.

Sa mensahe ng Pangulo sa Rizal Day kahapon, sinabi nitong sana maging bayani rin tayo sa ating sariling paraan at pagtibayin ang commitment sa Daang Matuwid dahil ito lamang daan tungo sa pagbabago at pagkamit ng mga pangarap sa bansa.

Ayon pa kay Aquino, nananatiling makabuluhan ang mga nagawa ni Rizal na maaring magamit sa pang-araw-araw na buhay bilang mga Pilipino lumalaban para sa kalayaan.

Muling kinilala ni Pangulong Aquino ang mga ambag ni Rizal at iba pang bayaning nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo para sa ating bayan sa panahon ng pananakop at pang-aabuso ng mga dayuhan.

Bukod sa flag-raising at wreath-laying rites na pinangunahan ng Pangulong Aquino, naging tampok na aktibidades ang traditional na re-enactment sa paglakad ni Rizal mula sa Fort Santiago patungo sa kanyang martyrdom.

Nagkaroon din nang fly-by ng ilang makabagong war planes at helicopters ng Philippine Air Force at Philippine Navy.

 

vuukle comment

ACIRC

AQUINO

DAANG MATUWID

DR. JOSE RIZAL

FORT SANTIAGO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NAVY

PILIPINO

RIZAL

RIZAL DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with