^

Bansa

40 aircraft paliliparin ng AFP sa Rizal Day

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, 40 aircraft ang paliliparin ngayon ng mga piloto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng paggunita sa ika-119 taong anibersaryo ng pagiging martir o kabayanihan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na gaganapin ngayong araw sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP spokesman, Col. Restituto Padilla,  paliliparin ang air assets ng AFP kabilang ang dalawang FA 50 fighter jets; fly by ng 15 SF 260 fighter jets ; sampung T41 D aircraft; walong AW 109 Augusta plane ng Air Force at Navy ; tatlong Bell 412 chopper at dalawang UH-IH na magsasagawa naman ng pagbabagsak ng talulot ng mga bulaklak.

Sinabi ni Padilla na ang pagpapalipad ng mara­ming aircrafts ay pagpupugay kay Rizal na nag-alay ng buhay para sa kasarinlan ng bansa.

Gayundin para i-showcase sa publiko ang capabi­lity ng mga air assets ng AFP na nakamtan ng Sandatahan sa ilalim ng administrasyon ni PNoy.

Magugunita na sa mga loob ng mahabang panahon ang paggunita sa ‘martyrdom ‘ ni Rizal ay nagkakaroon lamang ng ‘flower aerial drop’ at walang lumilipad na napakaraming mga eroplano na nagsasagawa ng exhibition sa himpapawid.

“We would like to invite the public in the national simultaneous event, it’s the 1st time in history, aside from commemorating the martyrdom of our national hero, we will also showcase our air assets, sabi pa ng opisyal.

ACIRC

AIR FORCE

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

DR. JOSE RIZAL

GAYUNDIN

MAGUGUNITA

RESTITUTO PADILLA

RIZAL

RIZAL PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with