^

Bansa

TRO vs DQ ni Poe ipinalabas ng SC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinalabas kahapon ng Supreme Court ang dalawang temporary restraining order na pumi­pigil sa pagpapatupad ng desisyon ng Commission on Elections na idisku­walipika si Senador Grace Poe sa halalang pampa­nguluhan sa taong 2016.

Isinagawa ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagpapalabas ng dalawang TRO laban sa desisyon ng first at second division ng Co­melec. Agad na epektibo ang kautusan ng Mataas na Hukuman.

Inatasan din ng Mataas na Hukuman ang Comelec at iba pang respondent na magkomento sa petisyon ni Poe sa loob ng 10 araw.

Ayon sa tagapagsalita ng SC na si Theodore Te, itinakda ng Mataas na Hukuman sa Enero 19 ang oral argument sa kaso ni Poe na isasagawa sa bagong session hall nito sa main building nito sa Maynila.

Binanggit din ni Te na didinggin ng Mataas na Hukuman nang magkahiwalay ang dalawang kaso.

Nauna rito, isinampa ng kampo ni Poe sa pamamagitan ng abogado niyang si George Garcia kahapon ng umaga sa Supreme Court ang mga petisyong humihiling na baligtarin nito ang desisyon ng Comelec na idiskuwalipika siya sa halalang pampanguluhan.

Sinabi pa rin ni Garcia na hihilingin din nila na huwag lumahok sa pagdinig sa kaso ang tatlong ma­histrado ng Supreme Court na sina Antonio Carpio, Teresita De Castro at Arturo Brion na pawang mga mi­yembro ng Senate Electoral Tribunal na bumoto para idiskuwalipika si Poe.

Ang diskuwalipikas­yon ni Poe ay nag ugat sa  petisyong inihain nina  Attorney Estrella Elamparo, dating Senator Francisco Tatad, University of the East College of Law dean Amado Valdez, at De La Salle University professor Antonio Contreras.

Hiniling naman kahapon ni dating Senador Francisco “Kit” Tatad sa Commission on Election na ipuwera si Poe sa official ballot para sa halalang pampanguluhan sa 2016.

Sa pamamagitan ng abogado niyang si Manuelito Luna, inihain ni Tatad ang isang motion for execution of judgment ng First Division ng Comelec para hilinging tanggalin ang pangalan ni Poe sa mga opisyal na balota.

Samantala, ikinatuwa naman ni Manila Vice Ma­yor Isko Moreno Doma­goso ang pagpapalabas ng  TRO  sa pagsasabing  hindi dapat na minamaliit ang  boses ng nakarara­ming Pilipino.

Sinabi  ni Domagoso, na tumatakbong senador sa ilalim ng Grace Poe-Chiz Escudero tandem na bagama’t panandalian lamang na tagumpay ang TRO, mas dapat aniyang bigyan pansin ang  tagumpay ng mga inabandona at pinaampon na mga bata na apektado sa COMELEC ruling.

vuukle comment

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

ANTONIO CARPIO

COMELEC

HUKUMAN

MATAAS

NBSP

POE

SHY

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with