^

Bansa

Basurang nahakot sa EDSA kumonti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas kaunting basura ang nahakot nila mula sa mga naiwang kalat ng mga tao sa EDSA noong Disyembre 24 hanggang 25 kumpara sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Francis Martinez, head ng MMDA Metro Parkway Clearing Group, nakakolekta lamang ang mga tauhan ng MMDA ng 6 cubic meters o 1.6 tons ng basura sa EDSA kumpara sa 12 cubic meters na naipon sa parehong period noong nakaraang taon.

Posible aniyang na­ging aware na ang publiko sa kahalagahan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang lagayan kayat kaunti na lamang ang kalat sa kalsada.

Ayon sa MMDA, ka­bilang pa rin sa mga na­kolektang basura sa northbound at southbound lanes ang mga styrofoam, plastic bottles, cardboard materials at mga natirang bahagi ng firecrackers gaya ng fountain at “kwitis.”

ACIRC

ANG

AYON

BASURA

DISYEMBRE

FRANCIS MARTINEZ

IKINATUWA

METRO PARKWAY CLEARING GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

POSIBLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with